Inilahad ni Cherie Gil na marami siyang natutunan sa pinagdadaanan ngayong "new normal" dulot ng COVID-19 pandemic, Kabilang na rito ang pag-alis sa mga bagay na hindi naman niya kailangan.
"All of us are in the same form, kaniya-kaniyang barko nga lang. And then of course, the lifestyle changed. You realize that you don't need much," sabi ni Cherie sa panayam sa kaniya ng "Bright Side" ng GMA Public Affairs.
Dahil sa pandemya, hindi rin nakakagala o nakakapagbiyahe ang matikang aktres.
"In fact kakabenta ko nga lang ng isang kotse. I said, 'That's it, I don't really need cars, I don't go anywhere,'" sabi ni Cherie.
Kalaunan, unti-unti na rin daw nasasanay si Cherie.
"Somehow there's a part of me na after all the time na parang nagse-settle na ako, na-e-enjoy ko na at marami na akong nadi-discover about myself," saad niya.
Hindi naman niya maitatanggi na miss na rin niyang magbalik sa taping.
"I miss the camaraderie, I miss the laughter which only can happen in engaging with one another. I miss it of course, so that's why I decided to create an online master class, so nai-ignite pa rin 'yung motor ko at saka in a way I'm quite inspired," ani Cherie.
Nitong Hulyo, inilunsad ni Cherie ang kaniyang acting masterclass para maibahagi ang kaniyang dekada nang karanasan sa showbiz industry. Dinaluhan pa ito ng mga kapwa Kapuso actresses na sina Barbie Forteza at Chynna Ortaleza.
"I'm teaching them to find their own expressions. I try to give them exercises that I have used as an actor for them to use as well in their daily lives. It's a step by step concept," sabi ni Cherie.
"Dahil sa mahal ko 'yung ginagawa ko and I'm proud of my profession, I want to be able to touch other people's hearts and hoepfully they too will find their own passion in what they do and what chosen profession they finally delve in, and hopefully bring out more creativity in them," sabi pa ng aktres.-- FRJ, GMA News