Inihayag ni Angela Alarcon kung paano tumatayo hindi lang bilang ama kundi mentor din niya sa showbiz ang action star-turned-politician na si Jestoni Alarcon.

"He is helping me by giving me tips inside the set and outside the set, like kung paano po makipagsalamuha sa mga tao, sa mga co-workers mo. And binibigyan din po niya ako ng tips sometimes when it comes to acting since sobrang dami niyang experiences," sabi ni Angela sa panayam sa kaniya ng GMA Regional TV.

Lagi raw nakaalalay sa kaniya ang kaniyang ama lalo na kapag nahihirapan siya pagdating sa pag-arte.

"Kapag nahihirapan po ako I ask help and he tells me things on what to improve, sa emotions, ano 'yung better way on approaching these things," kuwento ng bagong Kapuso actress.

 

"He's really been supportive lang talaga, 'yun naman po 'yung important, 'yung pagiging supportive father and hindi naman po siya nahuli du'n," sabi pa ni Angela.

Napanood si Angela noong nakaraang taon sa GMA series na "Beautiful Justice."

"I learned not to let pressure get the best of you. Since bago lang po ako sa showbiz, lagi ko lang po iniisip na huwag ma-pressure, huwag maging sobrang nervous. Important lang naman po is mag-enjoy ako meeting new people and to be inspired by the people you get to work with," sabi ni Angela, na inspirasyon din daw ang mga beteranong aktor at aktres na nakakasama niya sa mga taping.

Mapapanood si Angela sa upcoming GMA series na "Babawiin Ko Ang Lahat."--FRJ, GMA News