Sa pamamagitan ng kaniyang bagong entry sa "BW Challenge," ipinahayag ni Maine Mendoza ang kabilang bahagi ng buhay na hindi palaging “beautiful, strong and incredible.”
Sa kaniyang Instagram post, muling nag-post si Maine ng black and white na larawan pero tila may bakas ng luha sa kaniyang mga mata.
"Because we are not always 'beautiful, strong and incredible.' Here’s my entry to acknowledge the downs and not just the ups," saad ni Maine sa caption ng larawan.
Patuloy niya: "Cheers to the strong; to the brave; and to the broken ones out there. We are all fighters and survivors in our own battles. Whatever life throws at us, let’s keep going. Keep swimming... just keep swimming (heart emoji).
Samantala, muli namang hinangaan ng netizen ang kaseksihan ni Bianca Umali sa kaniyang entry ng BW Challenge.
Ilan pa sa mga Kapuso stars na sumabak sa Black and White Challenge sina Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Barbie Forteza at Michelle Dee, na ipinakita ang kani-kanilang mga kagandahan.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News