Pang-relax para sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang online games dahil nakakaalis daw siya kahit sandali sa "real world."
“Masarap maglaro ng mga games (that raise) your adrenaline and your focus,” sabi ng Kapuso actor.
“When I play those games, (even) before when I was working 24/7, nare-relax ako. In a way, nare-restart ako. Nawawala ako sa real world. After no’n, balik trabaho na. Parang, it’s a short reset for me, coming from long days of work,” paliwanag niya.
At ang kaniyang tatlong pinakapaboritong laruin:
1. Ragnarok Mobile
Paglilinaw ni Alden, pareho niyang mahal ang “Ragnarok Mobile” at “Mobile Legends.”
Nilalaro na raw niya ang “Ragnarok M” mula nang lumabas ito sa Pilipinas.
"Parang way back in 2016 and 2017,” saad niya.
Hindi makakalimutan ang fanboy moment ni Alden sa Blackpink member at K-pop star na si Lisa na naka-holding hands niya [ng nilalaro nilang karakter] sa Ragnarok.
Kahit man lang sa laro makaholding hands. Good morning! ?? pic.twitter.com/3qGqwxMJmJ
— Alden Richards (@aldenrichards02) November 4, 2019
2. Mobile Legends: Bang Bang
Para kay Alden, hindi dapat palampasin ng mga mahilig sa online games ang “Mobile Legends.”
Nagbabakbakan sa multiplayer battle arena (MOBA) ang mga karakter ng mga naglalaro.
3. Call of Duty
Pangatlo sa listahan ng Pambansang Bae ang “Call of Duty” o CoD.
--FRJ, GMA News