Pabirong ipinasilip ni Mikael Daez kung paano niya inaalagaan ang kaniyang "high-maintenance" na gaming queen na si Megan Young.
Sa kaniyang Instagram, makikitang tutok si Mikael para subuan ng pagkain si Megan, na hindi na maistorbo sa kaniyang paglalaro.
"Eto ang totoong sitwasyon sa bahay namin. Kelangan at-your-service lagi para sa uber high maintenance gaming queen ???????????? ako’y server, waiter at feeder lang po para sa kanya," caption ni Mikael.
Paglilinaw naman ni Mikael, biru-biruan lamang ito dahil katunayan, si Megan pa daw ang totoong "feeder" o patalo.
"#OfCourseThisIsAJoke #SiyaPoAngTotoongFeederSaVideoGames #ThatLastHashtagWillGetMeInTroubleTho ???????????? #IWillSitInTheCornerNowBeforeSheTellsMeToDoSo" sabi ng aktor.
Kamakailan, nag-post din si Mikael ng larawan ni Megan na kalong-kalong ang bagong panganak nilang pamangkin.
"But on a more serious note, we are in no rush. Whatever happens will happen," sabi ni Mikael. —LBG, GMA News