Humingi ng panalangin ang magkapatid na Mika at Angelika Dela Cruz nitong Father's Day para sa kanilang ama na dumadaan ngayon sa pagsubok.
"daddy.. words aren’t enough to express how sad, scared and broken i am right now.. sobrang sakit makita yung kalagayan mo ngayon. nabigla tayong lahat.. hindi tayo handa," paglalahad ni Mika sa Instagram, na hindi muna nagdetalye sa nangyari sa kanilang ama.
Ayon pa kay Mika, "[I] have now realized how precious each moment is and daddy i will forever be grateful for you. you saved me.. you accepted me with all your heart."
Inilahad ng Kapuso actress na kailangan pa niya ang kaniyang ama.
"[K]aya daddy lalakasan ko loob ko, para sayo kasi we still need you. I STILL NEED YOU. pinasa na kita kay LORD sabi ko siya na ang bahala. mahal ka niya. mahal kita. lalaban tayo."
"please pray for my dad everyone.. please please please" pakiusap ni Mika.
Nag-post din ng isang panalangin para sa ama sa kaniyang Instagram si Angelika.
"Dear Lord, Please heal my father. I love him so much. He is a good friend, a good brother, a good son, he is a good husband, and a good father," saad ni Angelika.
"Lord God I'm begging you please give my Father long life and heal him. In Jesus name. Amen," pagpapatuloy ni Angelika, na humiling din na ipagdasal ang kanilang ama. —Jamil Santos/KG, GMA News