Nakipagtulungan si Arra San Agustin sa isang fundraising campaign para mabigyan ng sariling water system ang ilang residente sa Masbate at Sorsogon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Arra na nakipagtulungan siya sa World Wildlife Fund (WWF) para masuportahan ang mga taga-Boca Engano at Claveria sa Masbate, at taga-Donsol sa Sorsogon.
Wala raw sariling water system ang barangay ng Boca Engano.
"So imagine the residents, the families in Boca Engano, they have to travel miles or blocks para lang makapunta sila doon sa four deep wells. Ito lang 'yung nagpo-provide ng water system sa kanila, tapos isa lang 'yung ginagamit nila para sa drinking water," ayon kay Arra.
"So imagine the whole barangay depends on that. 'Yun lang 'yung source of their water tapos hindi pa siya completely safe, it's not utterly safe for them," dagdag niya.
Samantala, nangangailangan naman ng rain water collectors ang dalawang paaralan sa Donsol para sa supply nila ng tubig.
"So what we're going to do is raise funds raise awareness para makaipon tayo ng pang-install ng rainwater collectors para doon sa dalawang areas na iyon," anang Kapuso actress.
"Especially at this time, this pandemic, actually kahit walang pandemic sobrang vital ng tubig. Tubig is survival and tubig is super essential talaga, mas kakayanin ko pa na walang kuryente kaysa walang tubig."
Para kay Arra, role nilang mga celebrity ngayong panahon ng crisis ang magbigay ng awareness sa mga nangangailangang tao.--FRJ, GMA News