Inihayag ni Therese Malvar na naghahanda na siyang kumuha ng kursong film para sa kolehiyo. Ikinalungkot naman niya na hindi na niya mararanasan ang aktuwal na high school graduation o maging online man lamang dahil sa COVID-19.
"What's gonna be hard for me I think is when I enter college, kasi ECQ and wala pa akong graduation. Hindi kami naka-online grad or physical grad. Pati grad pic hindi rin nangyari," saad ni Therese sa Kapuso Showbiz News.
"Sobrang sad kami ng mga classmate ko, bigla na lang hindi na kami pumasok. So 'yung mga last moments namin together, hindi namin na-cherish gaano," dagdag pa niya.
Kuwento pa ni Therese, napa-"sana all" na lang sila ng kaniyang mga kaibigan nang matuloy naman sa ilang paaralan sa Pilipinas ang high school graduation kahit sa pamamagitan lamang ng online.
"I'm kind of sad that we did not have a graduation. Kaya hindi kami fulfilled na 'yung graduation feels na, 'Finally tapos na.' It just happened. 'Oh? Hindi na pala ako grade 12. It just passed by lang, so wala we just have to accept it."
Nag-e-enroll na si Therese ng film sa Mint College, kung saan magsisimula na raw ang online classes sa Agosto.
Inihayag naman niya ang kaniyang mga pangamba, dahil kinakailangan din ng pisikal na mga aktibidad ang kaniyang kurso.--Jamil Santos/FRJ, GMA News