Dahil sa COVID-19, marami ang natatakot na magtungo sa ospital para magpakonsulta kung may nararamdamang sakit kahit karaniwan lamang. Mabuti na lang at may mga duktor na "online" tulad ni Doc. Willie Ong na aktibo sa social media at handang magbigay ng payo.
Sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," kilalanin pa lalo si Doc WIllie tungkol sa kaniyang libreng pagbibigay ng health tips sa social media, at kung bakit nga ba niya ito naisipang gawin.
Napag-alamin din na 14 na taon na raw na hindi naniningil ng professional fee si Doc. Willie sa mga taong nagpapatingin sa kaniya.
At kasabay sa pagsagot niya kung ano mali at totoo tungkol sa COVID-19, inalam din ng "KMJS" kay Doc. Willie kung papayag ba yang pamunuan ang Department of Health o muling sumabak sa senatorial elections.
Ano-ano nga ba ang maibibigay niyang payo para maiwasan at malabanan ang COVID-19? Alamin ang kaniyang mga sagot sa video na ito.
--FRJ, GMA News