Nagbahagi si Rufa Mae Quinto ang naging karanasan nila ng anak niyang si Alexandria nang ma-stranded sila sa San Francisco, California, U.S.A. dahil sa lockdown dulot ng COVID-19, at kung paanong unti-unti na silang nasasanay sa pamumuhay doon.

Sa kaniyang Instagram, inilahad ni Rufa Mae na nagpunta sila sa California noong Pebrero para ipagdiwang ang Valentine's Day, at ang ika-tatlong kaarawan ni Alexandria.

"Feb 7, 2020 when we went here to San Francisco to celebrate valentines and 3rd birthday of @alexandriamagallanes , dapat 2 weeks Lang kami dito, pero dahil sa Covid 19, lockdown and shelter in place, no flights and we got so scared to take a flight back to Manila since May baby nga ako, delikado kapag byahe ko sya," saad ng aktres.

Dahil sa pananatili niya roon ng halos tatlong buwan na, nasanay na rin daw siyang maging isang housewife.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Feb 7, 2020 when we went here to San Francisco to celebrate valentines and 3rd birthday of @alexandriamagallanes , dapat 2 weeks Lang kami dito, pero dahil sa Covid 19, lockdown and shelter in place, no flights and we got so scared to take a flight back to Manila since May baby nga ako , delikado kapag byahe ko sya,nasanay na din kami mag- ina dito sa America, first time ko maging housewife and a mom talaga, kasi I work in the Philippines! Anyways, found my friends here ... @shellinatorsilog thanks for you and Mel! We can survive , we are in stage 2 or phase 2 and soon may 31, shelter in place will be over! Yehey! Madami din ako natutunan, how to be an American independent girl! Bawal sabaw, nganga , dapat alert and masipg sa Gawain bahay, Madaming emotions , (nosebleed) pero now I can see the sunshine and lightness of life! Ito nga ang isa sa ginagawa ko super essentials na, dati kasi I don’t go out , asawa ko Lang ang mag go grocery , Basta bukas na din mga playground and parks here kaya I’m so happy to share it to you guysh!

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on

 

"[N]asanay na din kami mag-ina dito sa America, first time ko maging housewife and a mom talaga, kasi I work in the Philippines! Anyways, found my friends here ... @shellinatorsilog thanks for you and Mel! We can survive , we are in stage 2 or phase 2 and soon may 31, shelter in place will be over! Yehey!" saad niya.

Sa kabila man ng COVID-19 pandemic, positibo pa rin si Rufa Mae na lilipas din ito.

"Madami din ako natutunan, how to be an American independent girl! Bawal sabaw, nganga , dapat alert and masipg sa Gawain bahay, Madaming emotions , (nosebleed) pero now I can see the sunshine and lightness of life! Ito nga ang isa sa ginagawa ko super essentials na, dati kasi I don’t go out , asawa ko Lang ang mag go grocery , Basta bukas na din mga playground and parks here kaya I’m so happy to share it to you guysh!"

Sa California nagtatrabaho ang asawa ni Rufa Mae na si Trevor Magallanes.--FRJ, GMA News