Sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga, itinampok ang mga mag-asawang patuloy na nag-iibigan sa kabila ng pagkakaiba ng edad, kulay, sukat at iba pa, maging ang pagtutol ng mga magulang o ibang tao.

Ang mag-asawang sina Apple at Robert, mayroong age gap na 38 taon, dahilan para pag-usapan sila ng mga kapitbahay.

Emosyonal si Apple nang pagsalitaan siya ng masama ng mga tao noong nabuntis siya pero lumipad si Robert ng ibang bansa. Gayunman, ipinaglaban ni Robert ang kaniyang pag-ibig kay Apple nang bumalik ito.

Sina Cris at Menard naman, tinutulan ng mga magulang dahil sa kondisyon ni Cris na dwarfism.

"Kasi sabi nila sa akin bakit hindi daw ako maghanap ng ksainglaki ko. Eh siyempre siguro baka nahihiya sila. Sabi ko naman sa kanila, 'Hindi naman kayo ang makikisama, ako naman eh,'" kuwento ni Menard.

Bagama't masakit ang sinabi ng mga tao, hindi sumuko si Cris sa pag-iibigan nilani Menard.

"Narinig ko po pero masakit din para sa sarili ko, sa puso ko, sobra," sabi ni Cris. — Jamil Santos/DVM, GMA News