Ibibigay umano ng mga producer ng pelikulang "Mia," na pinagbibidahan nina EA Guzman at Coleen Garcia, ang kikitain sa screening ngayong Biyernes sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal.

"The producers of the film 'Mia' have decided to donate all the net proceeds to today’s screening (Friday) to the victims of the Taal volcano eruption," saad sa kanilang anunsyo.

"We urge you to support the campaign by watching the film today with your family and friends," dagdag pa nito.

Ang pelikula ay kuwento ng isang doktora na si Mia, na malulugmok sa mapait niyang karanasan at magiging alcoholic. Pero makikilala niya si Jay na magbibigay ng pag-asa sa kaniya.

Sa pagkakakilala nila, made-develop si Jay kay Mia, ngunit magkakaroon ng pagsubok sa kanilang relasyon dahil sa nakaraan ni Mia.

Ipinalalabas na ngayon sa mga sinahan ang "Mia".-- Jamil Santos/FRJ, GMA News