Ang kapatid ni Kapuso actor Ruru Madrid na si Rere ang pinakabagong natanggal sa "Starstruck" matapos na makakuha ng pinakamababang score sa ginawa nilang artista acting test nitong Linggo.

Sa ginawang breakup scenes ng mga artista hopeful kasama sina Barbie Forteza at Ken Chan, si Rere ang nakakuha ng pinakamababang combine points na 75.3 percent.

Sumunod naman sa kaniya si Abdul Rahman ng may 75.7 percent.

WATCH: Breakup scenes with Barbie and Ken, maitawid kaya ng 'Starstruck' survivors?

Sa pagkakaalis ni Rere, sampung artista hopefuls na lang natitira sa kompetisyon.

Kinabibilangan ito nina Ella Cristofani, Pamela Prinster, Shayne Sava, Lexi Gonzales at Dani Porter sa girls; at sina Radson Flores, Kim de Leon, Jeremy Sabido, Allen Ansay at Abdul Rahman, sa boys.

Hindi naman napigilan ni Rere na maging emosyonal sa kaniyang pagkakaalis sa kompetisyon.


Dahil breakup scene ang ginawa ng "Starstruck" finalists, naitanong ni StarStruck council member Jose Manalo kung saan humugot ng emosyon si Rere gayung inamin nito na hindi pa siya nagkakaroon ng nobyo.

Alamin din kung ano ang napansin sa kaniya ng ng isa pang council member na si Cherie Gil. Panoorin.


Click here for more "Starstruck" videos:

--FRJ, GMA News