Pag-ipunan na ang pagbabalik sa Pilipinas ng American pop rock band na Maroon 5 na muling magtatanghal sa Manila sa January 2025.

Sa social media post, inanunsyo ng Live Nation Asia na kasama ang Pilipinas sa Asian tour ng Maroon 5.

Ang one-night show ay gaganapin sa Mall of Asia Arena sa January 29, 2025.

Mula sa Manila, sunod na pupuntahan ng grupo ang ASEAN cities na Jakarta, Bangkok, Kuala Lumpur, at Kaohsiung.

Hindi pa inilalabas ang impormasyon tungkol sa halaga ng tickets.

Ito na ang ika-apat na pagtatanghal ng Maroon 5 sa Pilipinas. Huli silang nagpunta sa bansa noong 2022, bukod pa sa naging concert nila noong 2019 at 2015.

Ang Maroon 5 ay binubuo nina Adam Levine, Jesse Carmichael, James Valentine, PJ Morton, Matt Flynn, Sam Farrar, Mickey Madden, at Ryan Dusick.

Kabilang sa kanilang hit songs ang “Moves Like Jagger,” “She Will Be Loved,” “Payphone,” at marami pang iba. — FRJ, GMA Integrated News