Magaling sa one-liner jokes at delivery, hinahangaan si Gary Lising ng mga malalapit niyang kaibigan at katrabaho dahil sa angkin niyang talino. Panoorin sa "Tunay Na Buhay" kung paano nagsimula sa showbiz ang komedyanteng tubong-Baguio.

Lumaki sa Baguio si Gary at nakipagsapalaran sa Maynila na baon ang abilidad at diskarte. Sa kaniyang sariling pagsisikap at mahusay na pakikisama, nakapagtapos siya ng BS Economics sa prestihiyosong Ateneo de Manila University.

Naging OFW din siya nang magtungo siya sa Amerika noong 1960s at naging gag writer ng isang sikat na comedy show doon. Kinalaunan ay bumalik siya sa Pilipinas at napanood sa comedy gag show na "Champoy" noong 1980s.

Napanood din siya sa ilang pelikula at nakapagsulat ng maraming libro.
Tunghayan ang kuwento ng buhay ni Gary sa video na ito:


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News