Nawala na rin ang isa pang sanggol na ipinagbubuntis ni Heart Evangelista.

Ibinahagi ni Heart ang malungkot na balita sa isang Instagram post.

Sa kanila raw pagbisita sa doktor ngayong linggo, na sakto rin sa third-month mark niya, nadiskubre nilang wala nang heartbeat ang kanyang baby.

Alam daw ni Heart na hindi pa raw ito ang katapusan ng kanyang motherhood kundi isang panibagong chapter.

Masaya na raw siyang isipin na magkasama na ang kanyang kambal.

Last month lang nang i-announce ni heart na buntis siya.

Pero matapos ang ilang araw, nasundan ito ng sad news na kambal nga ang dinadala niya pero hindi na tuluyang nabuo ang isa sa twins. —JST, GMA News