Sa segment na "On The Spot" ng programang "Mars," ikinuwento ni Bernadette Allyson kung papaano nabisto ng kaniyang mister na si Gary Estrada ang kaniyang "sikreto" dahil sa isa niyang kaibigan.

Sa naturang segment, napunta kay Bernadette ang tanong na dapat kompletuhin tungkol sa pagkakabuking nang dahil sa isang tao.

Dito sinabi ng aktres na nang dahil sa isa niyang kaibigan na hindi taga-showbiz, nabuking siya ng kaniyang mister na parati siyang magla-lunch out.

"Hindi niya alam," natatawang sabi ni Bernadette.

"Mahilig akong mag-lunch-out. Lunch-out with friends, lunch-out with amigas,' patuloy niya.

Hindi man daw talaga sikreto pero kapag madalas na ay nahihiya na siya sa kaniyang asawa.

"Imbes na umuwi ka nang bahay, napapa-lunch ka. So maraming mga ganun, yon yung gimik natin ngayon di ba? nating mga mommy," paliwanag niya.

Panoorin ang iba pang katunungan sa segment pati na ang planong suutin ni Bernadette sa MET Gala para kabugin ang mga international celebrity.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News