Pumanaw na ang ama nina Aga at Almira Muhlach na si Alvaro Muhlach, na mas kilala bilang si Cheng.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing Sabado ng madaling araw nang sumakabilang buhay ang nakatatandang Muhlach dahil sa cardiac arrest.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya mula sa ilang kaibigan sa showbiz.

Kabilang sa kaagad na nakiramay ang ilang kaanak at kaibigan ng pamilya Muhlach gaya ni "Wowowin" host Willie Revillame.

Sa Instagram post ni Almira, sinabi nito na nakalagak ang mga labi ng kaniyang ama sa Heritage Park Taguig Chapels 2&3. Nakatakda naman ang inurnment sa Mayo 15.

 

 

Nag-post din si Almira ng larawan habang kasama noon ang ama na nilagyan niya ng caption na, “I love you Papa! Thank you for everything.”

 

 

--FRJ, GMA News