Masaya si Sanya Lopez dahil natagpuan na ng love team partner niyang si Rocco Nacino ang babaeng mamahalin nito sa katuhan ng volleyball player na si Melissa Gohing.

Dating na-link sina Sanya at Rocco, at nagkasama sila sa mga programang Encantadia at Haplos.

Ayon sa Kapuso actress, "I'm very happy kasi natagpuan na niya ang kanyang forever.

"Actually, alam ko na siya before pa, siyempre happy ako at kaming mga kaibigan niya sa kanila.

"Nakita namin si Rocco noon at ngayon na sobrang saya niya, at least ngayon nakita na niya ang forever niya.

"At nandito kaming mga kaibigan niya para suportahan siya sa kanyang love life at sa lahat ng mga gusto niyang gawin.

"Nakita ko naman sila na sobrang saya nila sa isa't isa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya sa Pistang Barangay ng Barangay LSFM 97.1 na ginanap sa Pasig City kamakailan. —JST, GMA News

For the full story, visit PEP.