May mga naghihikayat sa aktres na si Sheryl Cruz na pasukin na rin ang larangan ng pulitika sa darating na 2019 elections.
Sa presscon ng kabibilangan niyang Kapuso series na "My Guitar Princess," sinabi ni Sheryl na fifty-fifty pa raw sa ngayon ang kaniyang desisyon kung tatakbo siyang konsehala sa lungsod ng Maynila sa 2019.
Saad niya, “Kasi there are so many people right now egging me to actually try my abilities in public service.
“Iyon yung sa akin, which from a scale of 1 to 100, sabihin na natin na nasa half ngayon.
“I’m not confirming nor am I denying… parte rin ‘yan ng puso… siguro ng isang artista or nasa entertainment business for a very long time.
“Yung sa akin, bilang isang artista, nagpapasaya ka ng mga tao, yung ganyan.
“Iyan yung way mo na tinutulungan sila sa kanilang pang-araw-araw na stresses na dinadaanan sa buhay.
“On a more serious level, eto yung next step or isang way na, kumbaga, serving the public, which is not already parte or sakop ng entertainment industry.
“It’s a more serious thing, so kailangan talagang pag-isipan nang napakaraming beses.
“It’s just not making people smile pag nakikita ka sa TV, pag kumakanta, pag umaarte ka.
“It’s already helping people’s lives.
"So, mas fragile, mas fragile, kailangan talagang pag-aralan nang maayos.
“Nasa fifty-fifty pa siya ngayon.”
Ikinuwento rin ni Sheryl ang simula ng paghikayat sa kaniyang sumabak sa pulitika
Pagbabahagi ng 44-year-old actress, “The thing is… may bahay kami doon sa Gagalangin [sa Tondo].
“Ang sadya namin doon ng aking brother is ipaayos yung aming family home.
“There are nine homes sa loob ng compound, and medyo yung wear and tear na ang aming ancestral house.
“Doon medyo malaki na ang damage so we really need to have it fixed.
“So, ever since na nandun kami, hindi ko naman matanggihan yung mga invitation na nanggagaling sa mga barangay.
“May mga medical missions, ganyan… actually, yung sa pagtakbo, four years ago pa, not only doon sa Manila kundi pati sa Quezon City.”
May bahay rin kasi si Sheryl sa Quezon City kaya noon pa raw ay may mga nag-e-encourage sa kanyang tumakbo sa lungsod.
Ngunit hanggang ngayon, patuloy pa raw niyang pinag-aaralan ang pagpasok sa pulitika.
Tugon niya, “Pinag-aaralan ko pa, wala pang definite…
"Kung iyan ang gusto sa akin ng Diyos, di ba, na magsilbi para sa mga tao?
“Nasa edad naman ako at may kapasidad ako na gawin iyon.
"Kahit papaano, nakapag-aral naman ako.
“Nakapagtapos naman ako ng kolehiyo sa Amerika. Liberal Arts major, minor ko ay English, at Dean’s Lister naman ako, so…
“Huwag na nating sabihin yung sa qualifications, masaya na tayo na may qualifications.
"Para sa akin, kung talagang iyon ang gusto ng Diyos na landas para tahakin, sino ba naman ako para tumanggi sa Kanya?”
Kung anu’t anuman, may mga eleksyon pa naman daw na darating, hindi lang sa isang taon.
Sabi ni Sheryl, “Masyado kasing maaga pa para pag-usapan 'yan, but the thing is I’m still testing the waters at this time.”
Kung sakali mang tatakbo siya, baka sa lungsod ng Maynila siya tumakbo dahil ninong ni Sheryl si Manila Mayor Joseph Estrada.
Dugtong pa ni Sheryl, “Pero ang concentration natin ngayon ay ang My Guitar Princess.”
Gaganap si Sheryl bilang ina ni Julie Ann San Jose sa nasabing teleserye.-- For more showbiz news, visit PEP.ph