Marami ang nabigla at nalungkot sa pagpanaw ng batikang direktor na si Maryo J. Delos Reyes dahil sa atake sa puso.

Sabado ng gabi nang atakihin sa puso direktor habang nasa sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte.

Sa pamamagitan ng social media, inihayag ng ilang celebrity, kabilang ang ilang Kapuso star, sa nagpaabot ng pakikiramay at pasasalamat sa namayapang direktor.

Si Katrina Halili, sinariwa ang mga magagandang alaala na kasama ang direktor. Nagpasalamat din siya sa paggabay sa kaniya ni direk Maryo, hindi lang daw sa kaniyang trabaho kung hindi maging sa personal niyang buhay.

 

Direk Maryo thank you sa lahat, 2008 tayo nagkasama at nagka kilala, simula nun minahal ko na po kayo, sobrang sweet nyo po sa akin, tuwing umaalis ka May pasalubong ka sakin, kinikilig po ako at sobrang natutuwa,kaya tuwing break tumatambay ako sa tent mo, nagkkwentuhan, nagtatawanan. Halos taon taon kasama ko po kayo sa show 2008-2014 kayo po ang unang tumatawag sakin para sabihin na tanggapin ko, na sobra po akong natutuwa, makuha ko man yung project o hindi, basta Alam kong gusto nyo po akong makasama, sobrang blessed ko na po,???????????? napakaswerto ko na makasama ko kayo sa trabaho, at makilala ng personal, marami pong Salamat sa guidance, Hindi lang sa trabaho Pati sa personal na buhay, sa sobrang pagmamahal ko po sa inyo, kahit saan mo ako ayain, sumasama ako, mamimiss kita direk at tuwing umiinom tayo, sobra akong nalalasing sa sarap ng kwentuhan natin, tapos lagi tayong natatapos ng umiiyak, dahil sinasabi natin kung gaano natin kamahal ang isat isa, lagi akong naiiyak dahil sobra ang tiwala mo sakin, isa ka sa mga angel ko direk, salamat po???? mamimiss po kita, mahal na mahal po kita direk..???????????? #ripdirekmaryoj

A post shared by katrina_halili (@katrina_halili) on

 

Ibinahagi naman ni Dennis Trillo ang mga pinagsamahan nilang Kapuso shows ni direk Maryo, at sinabing mami-miss nila ang mayapang direktor.

 

Itinuturing naman ni Ruru Madrid na pangalawang ama si direk Maryo kaya masakit daw para sa kaniya ang pagkawala ng direktor.

"Bilang anak niya sa industriyang ito, masakit pa rin po na maiwan ng isang ama na talagang naging mentor ko rin. Siya po yung dahilan kung bakit nandidito po ako sa industriyang ito," saad ni Ruru sa Star Bites report ni Lhar Santiago sa GMA News TV "Balitanghali."

Labis din ang lungkot ni Yasmien Kurdi na bida sa upcoming series na "Hindi Ko Kayang Iwan Ka," kung saan direktor si Maryo.

Ayon kay Yasmien, katatapos lang daw nilang i-shoot ni direk Maryo ang pilot week ng programa.

Inilarawan naman ni Jeric Gonzales na isa sa mga pinakatotoong tao na nakilala niya sa showbizness si direk Maryo.

 

 

Labis din ang lungkot ng kapwa niya direktor na si Joey Javier Reyes sa pagpanaw ng kaibigan.

 

 


--FRJ, GMA News