Isinilang na ng komedyanteng si Pokwang nitong Huwebes ng umaga ang first baby nila ng kaniyang American boyfriend na si Lee O'Brian.

Inanunsyo ni Lee sa kaniyang Instagram post ang pagdating ng kanilang anak na sa Baby Malia.

"This morning at 8:28 am Manila time, the most beautiful little angel came into our world, our Baby Malia!! Mamang @itspokwang27 is recovering well and are @maesubong is fired up to get the Older Sister duties going on....We love you, Malia!!," saad ni Lee sa caption ng larawan na kaniyang ipinost.

 

May ginawa ring video si Lee na mapapanood sa YouTube channel na PokLee Cooking Channel, na naglalaman ng ilang larawan at footage sa kanilang baby.


May unang anak si Pokwang sa dating karelasyon na 21-anyos na ngayon.

Unang nagkakilala sina Pokwang at Lee sa isang proyekto noong 2014. -- FRJ, GMA News