Sa "Lightning Laglagan" sa programang "Mars," ibinahagi ng singer-actress na si Rachel Alejandro na may pinanggalingang "heartbreak" story ang popular niyang kanta na "Paalam Na."
Ayon kay Rachel, co-writer niya sa paglapat ng lyrics ng kanta ang dati niyang kasintahan na may inisyal na D.A. na ginawa sa panahon na kaka-break pa lang nila.
Isinalin daw niya sa Tagalog ang sulat ng kaniyang ex, at nilapatan naman daw ito ng musika ni D.A.
Sa naturang segment din, ikinuwento naman ng aktres na si Maureen Larrazabal na madalas na mahulog ang suot niyang lapel [mic] dahil sa kaniyang dibdib.
Panoorin ang nakakatuwa nilang usapan sa "Mars."
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News