Pumanaw na si Agriculture Undersecretary for Livestock Deogracias Victor “DV” Savellano, na mister ng aktres na si Dina Bonnevie.

BASAHIN: Dina Bonnevie tungkol kay DV Savellano: 'Love comes from the most unexpected place'

Inihayag ng National Tobacco Administration (NTA) nitong Martes ang malungkot na balita.

Nagsisilbi si Savellano na oversight official at bahagi ng Governing Board ng NTA.

Bago nagsilbi sa DA, naging Deputy House Speaker at kinatawan ng 1st District ng Ilocos Sur si Savellano, at naging bahagi sa pagbuo ng Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP), kasama ang NTA officials and stakeholders noong 2020.

“During his two terms of governor of Ilocos Sur, he initiated the KABSAT Caravan, a prosperity program giving free-farm machinery and inputs to all farmers in the province including the tobacco farmers,” saad ng NTA sa Facebook post.

“His dedication, leadership, and invaluable contributions to the agency and to the upliftment of the life of the tobacco farmers will forever be remembered. Our heartfelt condolences go out to his family, loved ones, and colleagues during this difficult time. His legacy continues to inspire us,” dagdag nito.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, sinabi ng King of Talk na batay sa impormasyon mula sa aktres, pumanaw si Savellano dahil sa abdominal aneurysm.

Taong 2012 nang ikasal sina Savellano at Bonnevie.—FRJ, GMA Integrated News