Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez ba dapat igalang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) - China Code of Conduct (COC) ang soberaniya ng lahat ng mga apektadong bansa kaugnay ng pagdaraos ng Manila Dialogue on the South China Sea.

“As we work on the code of conduct, we emphasize the urgency of concluding a meaningful agreement that promotes peace respects all states interests and establishes mechanisms for fair, predictable cooperation,” saad ni Romualdez sa kaniyang talumpati nitong Miyerkoles.

“A strong unified ASEAN voice will be vital in maintaining stability and in a certain that cooperation, not coercion, defines our region,” dagdag niya.

Nakasaad sa website na ang taunang Manila Dialogue on the South China Sea ay nakatuon sa “promoting adherence to international law and identifying sound, pragmatic, and actionable policy prescriptions” para sa mga bansang nakapaligid ng South China Sea, at mga kalapit na bansa.

Maliban sa Pilipinas, kasama sa naturang taunang pagtitipon ang China, Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam, Estados Unidos, at United Kingdom.

Una rito, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng ASEAN na bilisan ang pagpasa ng code of conduct upang maipagpatuloy ang makabuluhang progreso dahil ang “core elements of the COC, such as the milestone issues of geographic scope... and its legal nature to this day remain outstanding.”

Nanindigan naman si Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning, na “generally stable" ang sitwasyon sa South China Sea dahil umano sa pagsisikap ng China at ASEAN countries.

Ayon kay Romualdez, ang posisyon ng Pilipinas ay hindi higit pa sa usapin ng teritoryo kung hindi tungkol sa mga prinsipyo.

“It is about asserting that every nation, regardless of its size or power, deserves respect for its sovereignty. It is about proving that the rule of law is a force stronger than aggression,” giit ng lider ng Kamara de Representantes.

Patuloy ang tensiyon sa rehiyon dahil sa pag-angkin ng China sa halos buong South China Sea, sa kabila ng desisyon ng arbitral tribunal noong 2016 na nagbabasura sa posisyon ng Beijing sa West Philippine Sea.

Isinasagawa ang Manila Dialogue on the South China Sea mula sa Nobyembre 6 hanggang Nobyembre 8. --Mariel Celine Serquiña/FRJ, GMA Integrated News