Inilabas ng Malacañang nitong Huwebes ang listahan ng mga regular at special non-working holidays para sa taong 2025.
Ang listahan ng mga regular na holiday na nakasaad sa Proclamation No. 727 ay ang mga sumusunod:
- January 1 - New Year’s Day
- April 9 - Araw ng Kagitingan
- April 17 - Maundy Thursday
- April 18 - Good Friday
- May 1 - Labor Day
- June 12 - Independence Day
- August 25 - National Heroes Day (Last Monday of August)
- November 30 - Bonifacio Day
- December 25 - Christmas Day
- December 30 - Rizal Day
Samantala, ang mga sumusunod na petsa ay idineklarang special non-working days:
- January 29 - Chinese New Year
- April 19 - Black Saturday
- August 21 - Ninoy Aquino Day
- October 31 - All Saints' Day Eve
- November 1 - All Saints’ Day
- December 8 - Feast of the Immaculate Conception of Mary
- December 24 - Christmas Eve
- December 31 - Last day of the year
Samantala, ang EDSA People Power Revolution na gaganapin sa Pebrero 25, Martes, ay idineklarang special working day.
Nitong nakaraang Pebrero, wala sa listahan ng holidays naturang pangyayari sa kasaysayan ng bansa dahil pumatak sa araw ng Linggo.
Ang EDSA People Power Revolution ang nagtapos sa ilang dekadang pamumuno ng ama ni Marcos, na yumaong dating pangulo Marcos Sr., noong 1986.
Noong 2023, idineklara ang Pebrero 24 na special non-working holiday. Sa Proclamation No. 167, iniurong at ipinaaga ang Feb. 25 holiday, "to enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend pursuant to the principle of holiday economics... provided that the historical significance of the EDSA People Power Revolution Anniversary is maintained."
Samantala, hihintayin naman ng Palasyo ng rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos para sa petsa kung kailan gaganapin ang mga holiday para sa paggunita ng Eidul Fitr at Eidul Adha.—mula sa ulat ni Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News