Patay ang isang 40-anyos na lalaki pagkatapos pagbabarilin ng kaibigan daw niya sa Pasig City.

Kinilala ang biktima na si lynell perez eugenio at nagtatrabaho bilang delivery man.

Sa isang eskinitang sa Feliciano street nangyari ang pamamaril, kung saan ang biktima ay nagawa pa raw makalakad hanggang sa mapasandal at tuluyan na lang bumagsak sa isang gate, ayon sa report ni EJ Gomez sa Unang Balita netong Martes.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, magtamo ng dalawang tama ng bala sa likod ang biktima,

Isa sa collar bone at isa sa tuhod na dahilan kaya agad daw nitong ikinasawi.

Ilang sandali bago ang pamamaril, nakunan pa sa CCTV ang biktima na naglalakad sa isang eskinita malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Niyaya pa nga raw itong magyosi ng suspek.

"ung victim po, nakaupo po siya sa motor. And then yung namaril po is kasama po niya yung lola-lolahan ko," sabi ng kaanak ng biktima.

Ang suspek, tila wala raw sa wisyo bago maganap ang krimen.

"Lasing po siya, tapos po, pulang-pula yung mata, bangag na bangag po yung itsura niya," saad naman ng isang saksi.

Sa isang bakanteng lote raw dumaan ang suspek matapos ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente, gayundin ang manhunt operation para madakip ang lalaking bumaril.

--VAL, GMA Integrated News