Patay ang isang driver matapos sumalpok ang minamaneho niyang van sa likod ng isang truck sa Quezon City.  Ang biktima, may nakagitgitan umano na isa pang van bago ang aksidente.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Lunes, makikita sa CCTV footage ang dalawang van na mabilis ang takbo.

Nakaiwas ang isang van na tumama sa likod ng truck pero bumangga naman ang isa pang van.

Naging pahirapan umano na alisin ang driver sa pagkakaipit sa sasakyan, at hindi na siya umabot nang buhay sa osapital.

Inihayag umano sa katrabaho ng nasawing driver nag-ugat ang aksidente sa road rage.

Nagkagitgitan umano ang dalawang van sa Mindanao Avenue na humantong sa habulan hanggang sa bumangga na sa likod ng truck ang isa.-- FRJ, GMA Integrated News