May panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na aasahan ang mga motorista sa susunod na linggo.
Batay ito sa galaw ng international trading sa nakaraang apat na araw, ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.
Ang inaasahan paggalaw ay ang sumusunod:
Gasoline - P0.30 to P0.60 per liter
Diesel - P0.65 to P0.90 per liter
Kerosene - P0.40 to P0.50 per liter
Ang naturang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay base umano sa ilang dahilan gaya ng sitwasyon sa Gitnang Silangan, ang economic stimulus na ginawa ng China, at ang imbentaryo ng US crude na maghihipit sa suplay sa mundo.
Inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang oil price adjustments tuwing Lunes, at ipatutupad sa Martes.
Nitong nakaraang Martes, tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.20 per liter, at P0.20 per liter sa gasolina.
Ngayong taon, umabot na sa P5.85 per liter ang kabuuang presyo ng taas-presyo sa gasolina, at P1.95 per liter naman sa diesel.
Habang nabawasan naman ng P6.35 per liter ang presyo ng kerosene.—FRJ, GMA Integrated News