Naaresto na ang isa sa most wanted sa Quezon City na may kasong panggagahasa sa isang babae noong 2019. Pero itinanggi ng biktima ang paratang at iginiit na ang babae pa raw ang nagbihis sa kaniya.

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing isinilbi ang warrant of arrest ng mga operatiba ng QCPD Station 13 sa 48-anyos na suspek.

Ayon sa pulisya, 45-anyos ang babaeng biktima ng suspek na nagsampa ng kaso.

“Nangyari po ‘yung alleged rape case sa kaniya noong 2019 po, at lumabas ‘yung kaniyang warrant naman ngayong 2024. Pero noong 2020 ay nakulong na po siya ng six months,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Leonie Ann dela Cruz, Commander ng Payatas Bagong Silangan Police.

Nabilanggo ang lalaki sa Payatas Bagong Silangan Police Station, na ikaapat sa most wanted person list ng pulisya.

Iginiit niyang hindi niya ginahasa ang biktima.

“Siya po ang nagbihis sa akin. Pagkatapos namin, bumaba siya roon sa baba, akala ko umihi lang. ‘Yun pala sumigaw na siya papunta na roon, sumigaw siya ni-rape raw siya,” sabi ng suspek.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News