Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa bahagi ng Delpan sa Port Area, Maynila nitong Sabado ng umaga.

Natagpuan ang bangkay malapit sa mga maliliit na bangka at barge na naka-angkla, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa Dobol B TV.

Hindi na maganda ang kalagayan ng bangkay.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District ang insidente at inaalam kung nalunod ang lalaki o kaya ay naging biktima sa krimen. —KG, GMA Integrated News