Ilang alagang hayop ang kasamang sinagip sa Maynila dahil sa nararanasang pagbaha bunga ng walang tigil na ulan na dulot ng Habagat at bagyong Carina.
Sa larawan na ipinost ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office nitong Miyerkules, makikita na kasama ang mga aso sa mga inilikas mula sa mga bahay ng mga residente na nalubog na sa tubig.
Ang ibang aso, bitbit ng mga rescuer habang sinusuong ang hanggang baywang na baha.
"We're all inclusive. Ohana… nobody gets left behind," saad ng Manila DRRM Office sa kanilang post sa Facebook.
Pinuri naman ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), ang mga rescue team ng mga lokal na pamahalaan na kasamang sinasagip ang mga alagang hayop.
"Thank you to all the compassionate and heroic individuals and groups working tirelessly to rescue animals also affected by this disaster. They rely on us for their survival, and it’s truly inspiring to see so many compassionate people coming together to ensure their safety during this crisis," ayon sa PAWS.
Nitong Miyerkules, isinailalim sa state of calamity ang Metro Manila dahil sa naransang matinding pagbaha. --FRJ, GMA Integrated News