Isang Chinese ang pinigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos matuklasang mayroon siyang Philippine passport kahit hindi siya Filipino.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi pa ng BI na mayroon ding permanent residency sa Pilipinas ang Chinese, na kaniyang ginamit upang umiwas sa ilang protocols sa paliparan.

Hindi nagbigay ng pahayag ang dayuhan.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News