Natagpuan ang isang matandang lalaki na sobrang payat at walang saplot sa isang parke sa Santa, Ilocos Sur. Ang senior citizen, namatay kalaunan dahil sa severe malnutrition.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nanghihina ang senior citizen nang matagpuan ng mga awtoridad.

Hindi rin makausap ang lalaki, at mapapansin ang cast sa kaniyang kaliwang binti.

Isinugod ang lalaki sa ospital ngunit pumanaw sa sumunod na araw dahil sa severe malnutrition.

Nakatakdang ilibing ang lalaki ngayong Huwebes, na hindi pa rin matukoy ang pagkakakilanlan. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News