Sa kulungan ang bagsak ng isang motorcycle rider na walang plaka dahil bukod sa hindi huminto nang sitahin sa checkpoint, nabisto ring may dala-dala siyang kargadong baril sa Quezon City.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes, sinabing nabisto ng pulisya ang baril ng 36-anyos na suspek na nakatago sa bag na isinilid sa compartment ng motorsiklo.

Agad dinakip ang lalaki nang hindi siya makapagpakita ng kaukulang dokumento.

Nagsasagwa ng imbestigasyon ang pulisya kung nagamit sa ibang krimen ang baril.

Nakabilanggo ngayon ang na rider sa La Loma Police.

Mahaharap ang suspek sa reklamong resistance and disobedience to a person in authority at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News