Nasawi ang isang may-ari ng security agency matapos siyang barilin sa loob mismo ng kaniyang opisina ng isang salaring nagpanggap na aplikante bilang security guard sa Camarin, Caloocan City.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo ang 42-anyos na lalaking negosyante sa Barangay 172.

Bago ang pamamaril, napanood pa sa CCTV ang salarin na sakay ng motorsiklong walang plaka patungong opisina ng security agency.

Ayon pa sa Caloocan Police Investigation and Detective Management Section, may tangkad na 5’4 hanggang 5’6, nakasuot ng sweat shirt at may kapayatan ang pangangatawan ng salarin.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News