Inihayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi isisilbi ng kaniyang administrasyon ang anumang arrest warrant na ilalabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ito ng Punong Ehekutibo kasabay ng pahayag na hindi sakop ng hurisdiksiyon ng ICC ang Pilipinas.
"We don't recognize the warrant...That's a no," sabi ni Marcos nang tanungin kung isisilbi ng gobyerno laban kay Duterte kung magpalabas ng arrest warrant ang ICC.
Nahaharap sa imbestigasyon ng ICC si Duterte dahil sa ipinatupad na war on drugs ng kaniyang liderato na inaakusahang nagdulot ng paglabag sa karapatang pantao sa pagkamatay ng maraming drug suspects.—FRJ, GMA Integrated News