Parang eksena sa pelikula ang habulan ng isang van at isang sasakyan ng mga awtoridad sa Pasay.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, kolorum umano ang puting van kaya hinahabol ng mga awtoridad.

Sinubukan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation na sitahin ang van.

Pero imbes na sumunod, humarurot ito patungong rampa ng Skyway sa may Nichols.

Nakuha nila ang plate number ng sasakyan at naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) para sa operator at sa driver nito. — BM, GMA Integrated News