Tinapos ni Melvin Jerusalem ang pagkauhaw ng Pilipinas sa kampeonato sa boxing matapos itanghal na WBC world minimumweight laban sa Japanese fighter na ginanap sa International Conference Hall sa Nagoya, Japan nitong Linggo.

Tinalo ni Jerusalem, 30-anyos, via split decision ang wala pang talo na si Yudai Shigeoka.

Nitong nakaraang 2023, kampeon si Jerusalem pero naagaw sa kaniya ang korona ng Japanese fighter na si Masataka Taniguchi via second-round technical knockout sa Japan din.

Bigo man siyang maidepensa ang korona noong nakaraang taon, nakabawi na si Jerusalem matapos talunin si Shigeoka, na dalawang beses bumagsak sa kanilang laban.

Matapos ang 12-rounds, dalawa sa tatlong judges ang pumabor para kay Jerusalem sa iskor na 114-112, 114-112. Habang 113-114 naman ang iskor ng isa pang judge para kay Shigeoka.

Umangat ang fight record ng Pinoy sa 22-3 na may 12 knockouts, habang namantsahan naman ang fight record ni Shigeoka sa 8-1 na may 5 knockouts.—FRJ, GMA Integrated News