Muling tatapak sa ibabaw ng ring na may suot na gloves ang dating heavyweight champion na si Mike Tyson para makipagbasagan ng mukha kontra sa YouTuber-turned-boxer na si Jake Paul sa darating na Hulyo.

Ayon sa promoter ng laban, ipapalabas ang naturang bakbakan sa Netflix sa July 20, na gagawin sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas, ang tahanan ng Dallas Cowboys ng NFL.

Sa araw ng kanilang laban, magiging 58-anyos na si Tyson, habang 27-anyos naman si Paul, na may record na 9-1, anim sa panalo niya ay via knockout.

Samantala, kinikilala naman si Tyson, na isa sa mga greatest heavyweight boxer of all time, ay may record na 50-6, at 44 sa kaniyang panalo ay via knockout.

"I'm very much looking forward to stepping into the ring with Jake Paul," sabi ni Tyson sa pahayag. "He's grown significantly as a boxer over the years, so it will be a lot of fun to see what the will and ambition of a 'kid' can do with the experience and aptitude of a GOAT (Greatest Of All Time).

Sabi pa ni Tyson, "It's a full circle moment that will be beyond thrilling to watch, as I started him on his boxing journey on the undercard of my fight with Roy Jones and now I plan to finish him."

Nang sumabak si Tyson sa exhibition bout laban kay Jones noong 2020, nasa undercard si Paul.

"It's crazy to think that in my second pro fight I went viral for knocking out Nate Robinson on Mike Tyson's undercard," sabi Paul.

"Now, less than four years later, I'm stepping up to face Tyson myself to see if I have what it takes to beat one of boxing's most notorious fighters and biggest icons," dagdag niya. — mula sa ulat ng Reuters/FRJ, GMA Integrated News