Sugatan ang isang batang siklista matapos mabundol ng e-bike sa Pasay City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Nagtamo ng mga sugat sa siko at tuhod ang 15-anyos na siklistang kinilalang si Gab Isidro matapos mabangga ng e-bike na may sakay na dalawang Chinese.
Binigyan si Isidro ng first aid ng mga otoridad, habang nahabol naman ang e-bike.
Sa pamamagitan ng translator sa cellphone sinabi ng binatilyo na hindi siya magsasampa ng reklamo laban sa dalawang Chinese at tinatanggihan niya ang alok nilang bayad.
Walang pahayag ang dalawang Chinese na hindi raw marunong magsalita ng Tagalog o English. —KBK, GMA Integrated News