Nanawagan ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na mahalin din ang mga hayop at maging vegan ngayong Valentine’s Day.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, mapapanood ang paglilibot ng dalawang miyembro ng PETA sa Cebu City suot ang mascots na baboy at baka.

Dala-dala nila ang mensahe na “love all animals, go vegan.”

Nakiusap ang grupo na huwag katayin at kainin ang mga hayop.

Nataon ang Valentine’s Day sa Kuwaresma ngayong Miyerkoles, kung saan hinihikayat ng Simbahang Katoliko ang pag-aayuno. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News