Inihayag ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na may nagmungkahi kay Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. na bigas sa halip na pera ang ibigay sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa Palace press briefing nitong Martes, sinabi ni DA Undersecretary Roger Navarro na maaaring makatulong na maibaba ang inflation rate sa bigas kung bigas na lang ang bibigay sa mga benepisaryo ng 4Ps sa halip na pera.
''Actually, it was suggested in the meeting that we have the 4Ps, for example, for DSWD. We told the President that if we can convert the 4Ps instead of money, it should be on rice form, supplied by NFA. So we will take them out in the price pressures of the market in terms of buying high-price rice. These are 20% all over the country which are the vulnerable poor under the DSWD that is beneficiary for 4Ps,'' paliwanag ni Navarro.
''And we’re giving them money, and unfortunately because that is not rice, they’re going to buy rice in the market price; and that put pressure and inflationary in the market because they’re going to compete with the people who have money and then with only 4Ps,'' dagdag niya.
Sinabi ni Navarro na ikokonsidera umano ng pangulo ang naturang mungkahi at pag-aaral kung papaano ito maipatutupad.
Ang Department of Social Welfare and Development, ang ahensiyang namamahala sa 4Ps, na programa ng pamahalaan para matulungan ang mga pinakamahihirap na pamilyang Pilipino sa bansa.— mula sa ulat ni Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News