Iginiit ni Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. nitong Linggo na hindi nagtatago bilang bagong partisan coalition ang inilunsad na Bagong Pilipinas.
Sa kaniyang talumpati sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand sa Maynila, tiniyak niya na walang nakatagong agenda o lihim na plano sa likod ng BP.
“Bagong Pilipinas is not a new partisan coalition in disguise. It is a set of ideals that all us Filipinos, regardless of political creed or religion or wealth, can coalesce around,” anang pangulo.
“Bagong Pilipinas serves no narrow political interest. It serves the people,” dagdag niya.
Hindi rin umano "Trojan Horse" ang Bagong Pilipinas gaya ng iniisip ng iba.
“To those whose overheated imagination has been poisoned by toxic politics, Bagong Pilipinas is no Trojan Horse. It is a program, many workhorses driven by the love of country,” sabi pa ni Marcos.
“The sweeping vision that it brings presents—will not automatically come to fruition. It will require for all of us to work very hard,” patuloy ng pangulo.
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon si Vice President Sara Duterte, na umalis din kinalaunan para dumalo naman sa anti-People's Initiative rally sa Davao City na dinaluhan ng kaniyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa pagtitipon din sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Presidential Communication Office Secretary Cheloy Garafil, at iba pang miyembro ng Gabinete.
Sinabi rin ni Marcos na hindi niya sasayangin ang tiwala ng mga tao, na mas nais umanong makita ang gawa kaysa sa salita.
''Ang layunin ng Bagong Pilipinas ay maglatag ng mga mithiin na dapat nating makamtan para sa kinabukasan ng ating bayan. Tapos na ang patsi-patsi na plano na naiiba-iba na ang nangyayari lang ay nagkakawatak-watak tayo. It is the time for bold thinking, accompanied by the strong will to execute it. As I have said many times, the mandate of the people should be devoted to achieving the grand, not wasted on the petty,'' saad niya sa talumpati.
''I will not squander the sovereign people’s trust by marching and grunting loudly but staying only in place, when what they want is to surge forward bereft of drama,'' dagdag niya. ''Government must lead by example, not by empty exhortation but in ways that inspire confidence to our people, so they too, will believe that the greatness they deserve is at hand,'' Marcos said to an estimated .
Kailangan umanong maglatag ng programa ang pamahalaan para sa hinaharap, at maipakikita ang pakinabang ng mga mamamayan.
''It must craft a blueprint for progress, a plan that inspires hope and promises change, because without one, we will be inflicting the old and outmoded views on our people, denying them the benefits that innovation and that empowerment will bring,'' ayon kay Marcos. —FRJ, GMA Integrated News