Isang lalaki ang patay matapos mabaril sa loob ng jeepney sa Maynila.

Ayon sa ulat mula sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, nabaril daw ang biktima bandang alas-tres ng hapon sa may Hidalgo Street.

Ayon sa driver, hindi niya raw nakita ang bumaril dahil kausap niya ang katabi niyang pasahero.

Nakarinig na lamang daw siya ng mga putok ng baril at nakita ang biktimang nakabulagta sa sahig matapos nagkagulo at magsibabaan ang iba niyang pasahero.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya patungkol sa posibleng salarin at motibo sa likod ng krimen. — Jiselle Anne C. Casucian/BM, GMA Integrated News