Idineklara ng Malacañang ang February 9, 2024 [Biyernes] na special non-working day sa buong bansa kaugnay ng selebrasyon ng Chinese New Year na pumatak sa February 10.
BASAHIN: Listahan ng 2024 holidays na idineklara ng Palasyo
Sa Proclamation No. 453 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong'' Marcos Jr., nakasaad na, ''the declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend.''
Nakasaad din sa proklamasyon na inaatasan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng kaukulang circular kaugnay sa pagpapatupad ng kautusan para sa pribadong sektor. -- FRJ, GMA Integrated News