Isang mananaya ang mapalad na nanalo ng mahigit P640-milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 draw nitong Martes, Enero, 16, 2024.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na mga numero ay 26-33-14-48-06-42, na may kabuuang premyo na P640,654,817.60.

ALAMIN: Paano pumili ng lucky numbers para sa lotto batay sa taong 2024 o katumbas ng '8'?

Sa Facebook na PCSO Games Online Hub, nakasaad na may 173 na mananaya ang nanalo ng 2nd prize na P50,000.00.

Wala namang tumama sa mga kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, Lotto 6/42, at 6D Lotto.

Ang lumabas na mga numero sa Ultra Lotto 6/58 ay 39-45-18-26-58-05 na may premyong P49,500,000.00.

Pero may walong mananaya na nanalo ng 2nd prize na P120,000.00 ang premyo.

Samantalang sa Lotto 6/42, ang lumabas na mga kombinasyon ay  03-29-18-30-07-22, at may premyong P16,483,126.00.

May 109 na mananaya naman ang nanalo ng 2nd prize na P24,000.00.

Umabot naman sa P3,764,770.72 ang jackpot sa 6D Lotto na ang lumabas na mga numero ay 1-3-6-6-7-6. --FRJ, GMA Integrated News