Nakarating sa Simbahan ng Quiapo ang imahen ng Itim na Nazareno makaraan ang halos 15 oras na traslacion o prusisyon na dinaluhan ng tinatayang 6.5 milyong mga deboto.
Dakong 4:45 a.m nitong Martes nang umalis ang imahen ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand na nakalagay sa antas na may salamin.
Nakarating ang andas sa Simbahan ng Quiapo dakong 7:44 p.m. na naging pahirapan ang pagpasok dahil sa dami ng mga tao.
Ayon sa NCRPO Public Information Office, umabot sa 2.8 milyon ang mga tao sa traslacion dakong 1:00 p.m.
Sinabi naman ng Quiapo Church na mahigit 6.5 milyong tao ang naitala sa prusisyon mula 5:00 a.m. hanggang 6:00 p.m, isa sa pinakamarami sa kasaysayan ng traslacion.
Tatlong taon na natigil ang tradisyonal na traslacion dahil sa COVID-19 pandemic. —FRJ, GMA Integrated News