Nahaharap sa panibagong asunto ang isang akusado matapos niyang sugurin ang judge habang ibinababa sa kaniya ang hatol sa isang korte sa Las Vegas sa Amerika.

Sa ulat ng State of the Nation, sinabing agad hinablot ng courtroom personnel ang lalaki, na nagpupumiglas.

Nagawang makatayo ng judge matapos ang insidente.

Bago nito, nakiusap ang akusado sa judge na huwag siyang ipakulong dahil gumagaling na umano siya sa mental illness.

Gayunman, hindi pumayag ang judge dahil sa criminal history ng lalaki. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News