Nakatakdang patawan ng parusa ang isang nakamotorsiklong MMDA enforcer matapos siyang makasagi ng dalawang pasahero sa Main Avenue, EDSA Busway sa Quezon City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapapanood ang video ng isa sa mga nasaging biktima, na nakikiusap na huwag umalis ang lasing umano na enforcer.

Ang video ay pinost online ng Department of Transportation noong Disyembre 31.

Humingi ng tulong ang nakasaksing driver at konduktor ng bus sa mga naka-duty na Coast Guard sa lugar.

Kinausap nila ang enforcer at pinigilan itong umalis.

Pinaiimbestigahan na ni MMDA chairman Romando Artes ang pangyayari habang makatatanggap ng parusa ang enforcer.

Inaalam pa ng GMA Integrated News ang kondisyon ng mga pasahero. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News